Wala nang stranded na pasahero sa mga pantalan bunsod ng Bagyong #UrsulaPH – NDRRMC
Wala nang stranded na pasahero o anumang uri ng sasakyang-pandagat sa mga pantalan bunsod ng Bagyong Ursula, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa situational report bandang 6:00 ng umaga, sinabi ng ahensya na wala nang stranded na pasahero, vessel, motorbanca o rolling cargoes sa lahat ng pantalan sa bansa.
Nagbalik na rin anila ang operasyon ng lahat ng shipping at fishing company.
Dagdag pa ng NDRRMC, nasa walong lugar sa Cuartero, Jamindan at President Roxas sa Capiz ang binaha.
Samantala, sinabi ng PAGASA na nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang nasabing bagyo.
Wala na itong direktang epekto sa anumang parte ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.