Pangulong Duterte hindi pauunlakan ang imbitasyon ni US Pres. Donald Trump na bumisita siya sa US

By Dona Dominguez-Cargullo December 27, 2019 - 07:31 PM

Tatanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ni US President Donald Trump na bumisita siya sa US.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tutugon naman ang pangulo sa imbitasyon pero tatangihan niya ang paanyaya.

Makailang ulit na ring binanggit ni Pangulong Duterte na hindi siya magtutungo sa US sa panahon ng kaniyang termino bilang pangulo ng bansa.

Ito ay matapos na maging kritikal noon sa kaniyang kampanya kontra ilegal na droga ang Washington sa panahon ng pammuno ni US President Barrack Obama.

Taong 2017 nang magkausap sa telepono sina Duterte at Trump. Inimbitahan na noon ni Trump ang pangulo na magtungo sa US.

Noong 2018 naman nakatanggap ng liham si Duterte mula sa gabinete ni Trump para muli siyang imbitahan.

TAGS: donald trump, president duterte, US, Washington, donald trump, president duterte, US, Washington

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.