Tacloban isasailalim na sa state of calamity

December 27, 2019 - 03:44 PM

Nakatakdang magdeklara ng state of calamity sa Tacloban City dahil sa pinsala na idinulot ng Typhoon Ursula.

Nagdaos ng special session ngayon araw para maideklara ang state of calamity sa lungsod.

Nakasaad sa resolusyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council na lahat ng 138 na barangay sa Tacloban City ay naapektuhan ng bagyo.

Maraming bahay ang nasira at nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa nagtumbahang poste.

Marami ring puno ng saging ang tumumba, at mga napinsalang pananim at fish cages.

Dahil dito, inirekomenda ng CDRRMO na magkaroon na ng deklarasyon ng state of calamity, upang magamit ang calamity funds pangtulong sa mga naapektuhang pamilya.

TAGS: cdrrmo, State of Calamity, Tacloban City, Typhoon Ursula, cdrrmo, State of Calamity, Tacloban City, Typhoon Ursula

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.