Pulisya may limang persons of interest na sa pagkasawi ng 11-anyos na batang babae sa Bauan, Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo December 27, 2019 - 12:21 PM

Mayroon nang limang persons of interest ang Batangas Police kaugnay sa pagkamatay ng 11 anyos na batang babae sa bayan ng Bauan.

Ang mga labi ni Ma. Cristina Valerio ay natuklasan sa masukay na bahagi ng Barangay San Roque noong gabi ng bisperas ng Pasko, December 24.

Ayon sa Batangas Police Provincial Office, ang limang persons of interest ay kinabibilangan ng stepfather ni Valerio, dalawa nilang kapitbahay, ang taong nakadiskubre sa kaniyang katawan at isa pang nagtatrabaho lang malapit sa lugar.

Tatlong malapit sa biktima ang maaring maging testigo sa kaso.

Tinitignan din ng mga otoridad na rape ang posibleng motibo sa krimen. Ito ay matapos madiskubre ang underwear ng biktima 30 metro ang layo mula sa kaniyang katawan.

Dinala na sa Crime Laboratory Office ang underwear ni Valerio para isailalim sa semen analysis at DNA sampling.

TAGS: Batangas, Batangas Police, bauan, Inquirer News, Murder, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rape, Tagalog breaking news, tagalog news website, Batangas, Batangas Police, bauan, Inquirer News, Murder, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rape, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.