Eastern Samar isinailaim na rin sa state of calamity

By Dona Dominguez-Cargullo December 27, 2019 - 11:49 AM

Nadagdagan pa ang mga lugar na nakasailalim sa state of calamity dahil sa pinsala na naidulot ng Typhoon Ursula.

Ito ay matapos na magdeklara na rin ng state of calamity sa Eastern Samar.

Sa pamamagitan ng deklarasyon inaasahang mapapabilis ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo dahil magagamit na ng provincial government ang calamity funds.

Lima ang naitalang nasawi sa Leyte at Eastern Samar sa pananalasa ng bagyo.

Ayon sa Leyte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) umabot sa 1,941 na pamilya mula sa 11 bayan at sa Ormoc City ang naapektuhan ng bagyo.

Nakapagtala naman ng P24.84 million na halaga ng pinsala sa mga pananim sa Eastern Visayas.

Sa Leyte, ang nasawi ay siang 13 anyos na lalaki sa Baybay City at isang 37 na lalaki sa Kananga.

Una nang isinailalim sa state of calamity ang sumusunod na mga lugar:

– Leyte
– Capiz
– Medellin, Cebu
– Daanbantayan, Cebu
– San Jose Occidental Mindoro

TAGS: eastern samar, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, State of Calamity, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Ursula, ursula aftermath, Visayas, weather, eastern samar, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, State of Calamity, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Ursula, ursula aftermath, Visayas, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.