P3.4M na halaga ng shabu nakumpiska sa isang barangay kagawad sa Cavite
Arestado ang dalawang opisyal ng barangay sa Dasmarinas City, Cavite matapos makuhanan ng ilegal na droga.
Ayon kay Cavite police chief Col. Marlon Santos, nadakip nila ang suspek na si Pacalinog Rasul, 52 anyos na kasalukuyang kagawad sa Barangay Datu Esmael.
Si Rasul ay naaresto sa ikinasang buy-bust operation na ikinasa sa kaniyang barangay alas 2:00 ng madaling araw ng Biyernes, December 27.
Nasa listahan ng “high-value target” si Rasul.
Inaresto din ang kasamahan ni Rasul na si Taratingan Ali, 63 anyos na nagsisilbi namang barangay tanod.
Nagawang makabili ng police poseur buyer ng isang sachet ng shabu laban kay Rasul.
Nang kapkapan ay nakuhanan pa ito ng lima pang pakete ng shabu. Aabot sa P3.4 million ang halaga ng shabu na nakumpiska sa suspek.
May nakuha ring kalibre 45 na baril kay Rasul.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.