Typhoon Ursula napanatili ang lakas, wala nang direktang epekto sa bansa
Wala nang direktang epekto saanmang panig ng bansa angTyphoon Ursula.
Ayon sa 11AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 365 kilometers west ng Subic Zambales.
Kumikilos ito sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong north northwest.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers bawat oras at pagbugso na aabot ng 150 kilometers bawat oras.
Wala nang nakataas na tropical cyclone wind signal bunsod ng naturang bagyo.
Inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo bukas ng umaga.
Sa ngayon ayon sa PAGASA, ang tail-end of a cold rront ang maghahatid ng pag-ulan sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.
Babala ng PAGASA ang paminsang malakas na pag-ulan ay maaring magdulot ng pagbaha sa mabababang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.