Libreng towing service pwedeng i-avail ng mga motoristang bibiyahe sa NLEX

May handog na libreng towing service ang North Luzon Expressway sa mga motoristang bibiyahe ngayong weekend para umuwi sa mga lalawigan.

Sa ilalim ng “Safe Trip Mo, Sagot Ko” operations ng NLEX, ang mga class 1 vehicle na magkakaproblema ay libreng bibigyan ng towing service papunta sa pinkamalapit na exit.

Ang libreng serbisyo ay maaring i-avail mula alas 6:00 ng umaga ng December 28 hanggang 11:59 ng gabi ng December 29.

At mula alas 6:00 ng umaga ng January 4 hanggang alas 6:00 ng umaga ng January 6.

Read more...