DOH nagpaalala sa publiko sa mga ipinagbabawal na paputok
Ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na gawing ligtas ang pagsalubong sa taong 2020.
Inilabas din ng DOH ang mga listahan ng mga bawal na paputok para paalalahanan ang publiko.
Kabialng dito ang mga sumusunod:
– Picolo
– Super Lolo
– Atomic Big Triangulo
– Lolo Thunder
– Pillbox
– Boga
– Sinturon ni Hudas
– Big bawang
– Goodbye Philippines
– Bin Laden
– Kabasi
– Atomic Bomb
– Five Star
– Pla-pla
– Og
– Giant Whistle Bomb
Pinaalalahanan din ng DOH ang publiko sa mga dapat gawin sakaling maputukan.
Ayon sa kagawaran, dapat agad hugasan ang apektadong bahagi ng katawan.
Agad tanggalin ang kontaminadong damit sa apektadong parte ng katawan.
At agad humingi ng tulong medikal.
Payo ng DOH, panatilihing ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.