Pinuno ng NEDA bibigyan ng bagong puwesto sa gobyerno

By Den Macaranas January 25, 2016 - 04:37 PM
Arsenio-Balisacan
Inquirer file photo

Bumaba na sa kanyang puwesto si National Economic Development Authority (NEDA) Director-General Arsenio M. Balisacan para pamunuan ang bagong tatag na Philippine Competition Commission (PCC).

Si Balisacan ay mananatili sa NEDA hanggang sa January 31 kung saan ay pansamantalang hahalili sa kanya si Deputy Director General Emmanuel Esguerra.

Ang PCC ay isang quasi-judicial body na tututok bilang implementing arm ng Philippine Competion Act.

Layunin nito na tiyakin na may laban sa foreign market ang mga kalakal, serbisyo at iba pang uri ng commercial trade sa loob ng ating bansa.

Makakatuwang din ng PCC ang NEDA sa pagpapabantay ng economic activities sa kabuuan ng Pilipinas.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng NEDA na mahalaga ang bagong posisyon ni Balisacan dahil mabibigyan din nito ng pansin ang kapakanan ng mga consumers kasabay ang pagpapatatag ng domestic at international trade ng bansa.

Si Balisacan ay hinirang na Economic Planning Secretary at NEDA Chief noong 2012 kung saan ay siya rin ang namumuno sa Philippine Statistics Authority Board at Public-Private Partnership Center Board.

Siya rin ang concurrent chairman ng Philippine Institute of Development Studies, Philippine Center for Economic Development at ng Philippine Statistical Research and the Training Institute.

TAGS: Balisacan, neda, Philippine Competition Commission, Balisacan, neda, Philippine Competition Commission

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.