Magsaysay, Davao Del Sur niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 10 kilometers Southwest ng bayan ng Magsaysay, alas-6:41 umaga ng Biyernes (December 27).

May lalim na 14 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...