BREAKING: Nasawi sa pananalasa ng Typhoon Ursula umakyat na sa 28
Umabot na sa 28 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Typhoon Ursula.
Sa update mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) as of 6:00 ng umaga ngayong Biyernes, December 27, ang bilang ng mga nasawi ay 28 na, 12 ang nawawala at 2 ang sugatan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, ang mga nasawi ay mula sa sumusunod na mga lugar:
Capiz – 4
Aklan – 2
Iloilo – 13
Cebu – 1
Southern Leyte – 1
Leyte – 2
Biliran – 1
Eastern Samar – 3
Western Samar – 1
Ayon kay Timbal, nakapagsagawa naman ng preemptive evacuation sa mga lugar na tinamaan ng bagyo base na rin sa mga ipinalabas na abiso ng PAGASA.
Gayunman, mayroon pa ring mga nasawi dahil sa lakas ng bagyo at sa matinding pagbahang idinulot nito.
Samantala, nagdeklara na ng state of calamity sa Leyte, Capiz, mga bayan ng Medellin at Daanbantayan sa Cebu at sa San Jose Occidental Mindoro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.