LOOK: Pasilidad ng BFAR sa Cebu nawasak dahil sa Typhoon Ursula

By Dona Dominguez-Cargullo December 27, 2019 - 06:39 AM

Nawasak ang pasilidad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 7 sa Cebu dahil sa pananalasa ng bagyong Ursula.

Sinira ng bagyo ang Multi-Species Hatchery ng BFAR-Region 7 na nasa barangay Kawit sa bayan ng Medellin.

Nasira ang bubong at ang kisame ng pasilidad.

Dahil dito, suspendido ang operasyon ng Multi-Species Hatchery sa Medellin at kakakailanganin muna nitong sumailalim sa rehabilitasyon.

Samantala, nagsasagawa na ng assessment ang BFAR Region 7 sa pinsalang naidulot ng bagyo sa fisheries.

Nagtalaga na ng Quick Response Team ang ahensya para makipag-ugnayan sa mga City at Municipal Agricultural Offices sa mga naapektuhan ng bagyo.

 

TAGS: BFAR Region 7, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Inquirer News, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Ursula, ursula aftermath, Visayas, weather PH news, BFAR Region 7, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Inquirer News, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Ursula, ursula aftermath, Visayas, weather PH news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.