Parada ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach dinumog ng mga taga-suporta

Pia Parade
Kuha ni Alvin Barcelona

Maaga pa lamang kanina ay halos mapuno na ng mga tao ang kahabaan ng Roxas Boulevard na naghihintay sa parade ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Pasado alas-dos ng tanghali ng umarangkada ang kanyang sinasakyang float kung saan pati ang mga empleyado ng ibat-ibang mga tanggapan sa kahabaan ng Roxas Boulevard ay bumaba mula sa kanilang opisina para saksihan ang Miss Universe.

Noong isang linggo pa lamang ay naglabas na ng advisory ang Metro Manila Development Authority sa mga apektadong ruta na dadaanan ng nasabing parada.

Narito ang mga rutang dadaanan ng victory parade ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na babagtas sa Pasay City, Maynila at Makati City.

Pagkatapos ng maiksing programa sa Makati City ay kaagad na tutuloy ang convoy ng Miss Universe sa Araneta Center sa Cubao Quezon City para sa isa pang Victory Parade na susundan ng programa sa Smart-Araneta Coliseum.

Read more...