Naitala ng phivolcs ang pagyanig sa layong 7 kilometers southwest ng Kiblawan, ala 1:31 ng madaling araw ng Biyernes, December 27.
May lalim na 17 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.
Samantala, alas 2:13 ng madaling araw, nakapagtala naman ng magnitude 3.0 na lindol sa Wao, Lanao del Sur.
Ang epicenter ng lindol ay sa layong 7 kilometers west ng Wao.
Tectonic din ang origin ng pagyanig at 11 kilometers ang lalim nito.
Alas 3:03 naman ng madaling araw nang maitala ang magnitude 3.0 din na lindol sa Makilala, Cotabato.
9 kilometers naman ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang tatlong magkakasunod na pagyanig.
Excerpt: Simula ala 1:00 ng madaling araw ay tatlong magkakahiwalay na pagyanig ang naitala sa Mindanao.