Tatlong magkakasunod na pagyanig tumama sa magkakahiwalay na lugar sa Mindanao

By Dona Dominguez-Cargullo December 27, 2019 - 06:02 AM

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Kiblawan sa Daval Del Sur.

Naitala ng phivolcs ang pagyanig sa layong 7 kilometers southwest ng Kiblawan, ala 1:31 ng madaling araw ng Biyernes, December 27.

May lalim na 17 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.

Samantala, alas 2:13 ng madaling araw, nakapagtala naman ng magnitude 3.0 na lindol sa Wao, Lanao del Sur.

Ang epicenter ng lindol ay sa layong 7 kilometers west ng Wao.

Tectonic din ang origin ng pagyanig at 11 kilometers ang lalim nito.

Alas 3:03 naman ng madaling araw nang maitala ang magnitude 3.0 din na lindol sa Makilala, Cotabato.

Ang epicenter ng pagyanig ay sa layong 11 kilometers southwest ng Makilala.

9 kilometers naman ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang tatlong magkakasunod na pagyanig.

Excerpt: Simula ala 1:00 ng madaling araw ay tatlong magkakahiwalay na pagyanig ang naitala sa Mindanao.

TAGS: Cotabato, Davao del Sur, Inquirer News, Lanao Del Sur, Mindanao Quake, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Cotabato, Davao del Sur, Inquirer News, Lanao Del Sur, Mindanao Quake, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.