Mga biktima ng bagyo sa Pilipinas ipinagdasal ni Pope Francis
Ikinalungkot ni Pope Francis ang sinapit ng mga pamilyang Filipino na sinalanta ng bagyo noong araw pa mismo ng Pasko.
Sa pinangunahan niyang weekly Angelus prayer, hiniling ng Santo Papa sa mga nagtitipun-tipon sa St. Peter’s Square na samahan siyang ipagdasal ang Pilipinas.
Ayon kay Pope Francis kaisa siya sa panalangin ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Ursula na may internantional name na Phanfone.
Ang bagyo ay nagsimulang manalasa sa bansa bisperas ng Pasko na nagdulot ng matinding pagbaha sa maraming lalawigan sa Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.