Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huli itong namataan sa layong 300 kilometers Hilagang-Kanluran ng Coron, Palawan o 295 kilometers Kanluran Timog-Kanluran ng Subic, Zambales bandang 4:00 ng hapon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hourn at pagbugsong aabot sa 150 kilometers per hour.
May bilis ang bagyo na 15 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA, inialis na ang lahat ng Tropical Cyclone Wind Signal sa bansa.
Gayunman, patuloy na makararanas ng mahina hanggang katamtaman na may intermittent heavy rains sa Lubang Island at northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian Islands.
Asahan naman ang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan sa Zambales, Bataan at nalalabing parte ng Palawan.
Ayon pa sa PAGASA, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Sabado ng umaga, December 28.