Palasyo, laban-bawi sa pagkakasama ni Pangulong Duterte sa hit list ng NPA

By Chona Yu December 26, 2019 - 05:33 PM

Kumambyo si Presidential spokesman Salvador Panelo kaugnay sa naunang pahayag nito na hindi kasama sa hitlist ng New People’s Army (NPA) si Pangulong Rodrigo Duterte at nabigyan lamang ng false news at maling impormasyon si National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Ayon kay Panelo, base sa kanyang pakikipag-usap kay Esperon, sinabi nitong validated ang naturang impormasyon na kasama sa
listahan ng mga balak nanlikidahin ng komunistang grupo si Pangulong Duterte.

“I was talking to Secretary Esperon earlier and he said the inclusion of the President in the hit list has been validated by them so it was not a wrong info fed to them and according to him,” ani Panelo.

Una rito, sinabi ni Panelo na pinabulaanan na ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na papatayin nila si Duterte bagay na pinaniwalaan ni Panelo. Ang NPA ay ang armadong grupo ng CPP.

Ayon kay Panelo, kahit pa kasama sa hit list ang pangulo, nakahanda ang mga awtoridad na bantayan ang Punong Ehekutibo.

Limang dekada na aniyang nakikibaka ang komunistang grupo subalit bigo pa rin itong pabagsakin ang gobyerno o likidahin ang pangulo ng bansa.

TAGS: National Security Adviser Hermogenes Esperon, NPA, NPA list, President Duterte on NPA hitlist, Sec. Salvador Panelo, National Security Adviser Hermogenes Esperon, NPA, NPA list, President Duterte on NPA hitlist, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.