Makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.
Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 2:15 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Tarlac at Zambales.
Mararamdaman ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Maliban dito, apektado rin ng pag-ulan ang Nueva Ecija partikular sa Licab, Guimba at General Tinio.
Uulanin din ang bahagi ng Quezon at Calauag sa probinsya ng Quezon.
Pinayuhan ang mga residente sa nasabing lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.