WATCH: Pangulong Duterte, gustong maka-one on one si Joma Sison para sa peace talks

By Chona Yu December 26, 2019 - 01:49 PM

Hinahamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na umuwi ng bansa para magkaroon sila ng one-on-one na pagpuplong kaugnay sa peace talks.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, inatasan na ng pangulo ang mga awotirdad na huwag ipatupad o huwag arestuhin si Sison kapag dumating ng PIlipinas.

Nagpalabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court Branch 32 laban kay Sison at sa 36 na iba pang miyembro ng komunistang grupo dahil sa 1980 Inopacan massacre o ito ang pagpatay sa mga miyembro ng CPP na inaakusahang lumabag sa mga patakaran ng komunistang grupo sa probinsya ng Leyte.

“The President is daring him to come home to the PH and have a one-on-one talk with the President. He is asking him to come to the PH, there will be no enforcement of any warrant, just come to the PH and talk to him” sinabi ni Panelo.

Ayon kay Panelo, ang one-on-one na pag-uusap nina Pangulong Duterte at Sison ay hiwalay pa sa ikianakasang peace negotiations ng pamahalaan at komunistang grupo.

Nais kasi aniya ng pangulo na makita ang sinseridad ni Sison sa isinusulong na usaping pangkapayapaan.

Kasabay nito, kinondena ng Palasyo ang paglabag ng komunistang grupo sa umiiral na ceasefire.

Nagsimula ang ceasefire noong December 23 at matatapos sa January 7 ng susunod na taon.Ayon kay Sec. Salvador Panelo, nais ng pangulo na makita ang sinseridad ni Joma Sison sa isinusulong na peace talks.

Narito ang buong ulat ni Chona Yu:

TAGS: CPP founder Joma Sison, Joma Sison, peace talks, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, usaping pangkapayapaan, CPP founder Joma Sison, Joma Sison, peace talks, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, usaping pangkapayapaan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.