Ayon sa Forbes, mula 2010 hanggang 2019, umabot sa $435 million ang yaman ni Pacquiao dahilan para siya ay maitala sa number 8.
Halos kalahati ng kaniyang kinita ay mula sa laban nila ni Floyd Mayweather Jr., noong 2019 na sa kabila ng pagkatalo niya ay kumita siya ng $150 million.
Nanguna naman sa listahan si Mayweather na kumkita ng $915 million sa nakalipas na isang dekada.
Narito ang mga atletang nakapasok sa top 10 ng ‘Highest-Paid Athletes of the Decade’ ng Forbes:
Floyd Mayweather: $915 million
Cristiano Ronaldo: $800 million
Lionel Messi: $750 million
LeBron James: $680 million
Roger Federer: $640 million
Tiger Woods: $615 million
Phil Mickelson: $480 million
Manny Pacquiao: $435 million
Kevin Durant: $425 million
Lewis Hamilton: $400 million