Bilang ng otorisadong riders ng Angkas, 2,204 lang ayon sa DOTr

By Dona Dominguez-Cargullo December 26, 2019 - 12:10 PM

Mahigit 2,000 riders lang ng motorcycle ride hailing app na Angkas ang otorisado ng Motorcycle Taxi Pilot Run Techincal Working Group.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang datos ay inilabas ng TWG.

Kasunod na rin ito ng pahayag ng Angkas na mayroon silang 27,000 na riders at abot sa 17,000 dito ang mawawalan ng hanap-buhay dahil sa paglimita sa kanila ng TWG sa 10,000 riders na lamang.

Sa datos na ibinahagi ng DOTr, as of 9:00AM ng Huwebes, December 26, ang Angkas ay mayroong 2,204 na authorized riders, ang Joy Ride ay may 1,438 at mayroon namang 1,414 ang MoveIt.

Ang driver o rider ay maituturing na otorisado kung dumaan ito sa tamang proseso at nakatugon sa documentary at regulatory requirements ng TWG.

Kabilang sa requirements na kailangang gawin ng service providers ay ang full registration at pagdedeklara pangalan at contact numbers ng kanilang riders.

TAGS: Angkas, Inquirer News, joy ride, motorcycle ride hailing app, Motorcycle Taxi, MOVEIT, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Angkas, Inquirer News, joy ride, motorcycle ride hailing app, Motorcycle Taxi, MOVEIT, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.