Sa 11AM weather update ng PAGASA, huling namataa ang bagyo sa layong 235 kilometers Northwest ng Coron, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Nakataas pa rin ang TCWS No. 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Northwestern portion ng Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island (Lubang, Looc, Paluan, Abra de Ilog, Mamburao)
– Northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian Islands (Coron, Culion, Busuanga)
Ayon sa PAGASA, ngayong araw maghahatid pa rin ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan ang bagyong Ursula sa northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian Islands at Lubang Island.
Maulap na papawirin namay kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Central Luzon, Metro Manila, Rizal, at Northern Quezon.
Sa Sabado ng umaga ay inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.