Bilang ng mga nalason sa lambanog na nasa PGH, nabawasan na

Nabawasan na ang bilang ng mga pasyenteng naka-confine sa Philippine General Hospital (PGH) matapos malason sa ininom na lambanog.

Sa update ng ospital ngayong alas 7:00 ng umaga ng Huwebes, December 26, mula sa 42 nay 39 na lang ang naka-confine sa pagamutan.

Sa nasabing bilang ay 12 ang nasa emergency room, 26 ang nasa ward at isa ang nasa ICU.

Kahapon (Dec, 25) ay may nakauwi nang tatlong batang pasyente.

Ang natitirang 39 na pasyente ay patuloy pang inoobserbahan sa ospital.

Read more...