Ranking ng Pilipinas sa pagtiyak sa gender equality bahagyang bumaba

By Dona Dominguez-Cargullo December 26, 2019 - 10:33 AM

Bahagyang bumaba ang ranking ng Pilipinas hinggil sa layuning mawakasan ang gender gap base sa Global Gender Gap Reporter 2020 ng World Economic Forum.

Pero sa kabila nito, ang Pilipinas pa rin naman ang nananatiling number 1 sa mga ba sa Asya pagdating sa usapin ng gender equality.

Batay sa ulat ng WEF, nakakuha ang Pilipinas ng score na 0.781 at nasa pang-16 na pwesto mula sa 153 na bansa sa mundo.

Bumaba ng walong puntos ang ranking ng Pilipinas kumpara noong nakaraang taon.

Pero ayon sa Philippine Commission on Women, nananatili pa ring number 1 sa Asya ang Pilipinas.

Ang Global Gender Gap Report 2020 ay sinusukat base sa progreso na ipinapakita ng isang bansa sa economic participation at opportunity, educational attainment, health at survival, at political empowerment.

TAGS: gender equality, Global Gender Gap Reporter 2020, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, PH Ranking, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, world economic forum, gender equality, Global Gender Gap Reporter 2020, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, PH Ranking, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, world economic forum

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.