Indignation rally idinaos ng iba’t ibang grupo para kondenahin ang CPP-NPA

By Dona Dominguez-Cargullo December 26, 2019 - 10:18 AM

Nagsagawa ng indignation rally ang iba’t ibang grupo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila para kondenahin ang CPP-NPA.

Kasabay ito ng paggunita ng rebeldeng grupo sa kanilang ika-51 anibersaryo.

Kasama sa grupo na nagsagawa ng protesta ang League of Parents of the Philippines na tinuligsa ang anila ay pagre-recruit ng CPP-NPA sa mga kabataan.

Umapela ang grupo sa pamahalaan na tuldukan na ang tuluyan ang rebelyon at pauwiin ng bansa si Joma Sison at saka arestuhin.

Bahagi ng programa ng mga raliyista ang pagsunog ang isang bandera na may logo ng CPP-NPA.

Sa stage na kanilang ginamit sa programa, may inilagay na tila isang puntod at saka ipinaskil doon ang larawan ni Sison.

TAGS: 51st anniversary, CPP-NPA, indignation rally, Inquirer News, manila, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 51st anniversary, CPP-NPA, indignation rally, Inquirer News, manila, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.