Sa ilalim ng Republic Act 11464, maari pang magamit ang 2019 budget hanggang sa taong 2020.
Inaamyendahan ng batas ang Section 65 ng General Appropriations Act of RA No. 11260 na nagbibigay pahintulot para sa paglalabas ng kaukulang pondo na magagamit sa mga proyekto at programang pamahalaan.
Dahil dito maaring magamit sa susunod na taon ang unobligated funds o hindi nagamit na pondo sa maintenance and other operating expenses o MOOE na P324.758 billion at P339.53 billion capital outlays sa ilalim ng 2019 national budget.
Obligado lang na magsumite ng ulat ang mga kinauukulan sa Speaker of the House, Senate President, House Committee on Appropriations gayundin sa Senate Committee on Finance.
Matatandaang naantala ang pag-apruba ng pangulo sa 2019 budget dahil sa kwestyunableng insertion ng mga mamababatas.