2 patay, 7 sugatan sa pamamaril sa North Carolina

By Dona Dominguez-Cargullo December 26, 2019 - 09:32 AM

Dalawa ang patay habang sugatan ang pitong iba pa sa pamamaril sa High Point, North Carolina.

Magkasunod na insidente ng pamamaril ang naganap na ang isa ay nangyari Christmas Eve sa labas ng isang mall.

Unang naganap ang pamamaril sa High Point na ikinasawi ng dalawang lalaki.

Sinundan ito ng insidente, Martes ng tanghali kung saan isang kotse ang dumaan sa grupo ng mga taong nagtitipun-tipon sa parke sa labas ng shoopping strip at saka namaril.

Sa mga dinala sa ospital, anim ang maayos na ang kondisyon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng High Point Police Department at inaalam kung magkaugnay ang dalawang insidente.

TAGS: high point, Inquirer News, News in the Philippines, north carolina, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, high point, Inquirer News, News in the Philippines, north carolina, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.