LOOK: Pinsala ng Typhoon Ursula sa Capiz

Maraming binahang lansangan at mga punong nagtumbahan sa lalawigan ng Capiz dahil sa pananalasa ng Typhoon Ursula.

December 24, at araw ng Pasko, December 25 nang manalasa ang bagyo sa Capiz.

Bahagya ring napinsala ang Roxas City Airport.

May mga bahay ding nawasak sa bayan ng Ivisan at sa Cuartero.

Simula kahapon, iniutos na ni Capiz Gov. Nonoy B. Contreras ang pagsasagawa ng clearing operations sa lahat ng mga napinsalang lugar.

Magpapatuloy ang clearing operations ngayong araw, lalo pa at inaasahang ang mas maganda nang panahon sa lalawigan.

Narito ang mga larawan ng pinsalang iniwan ng bagyong Ursula sa Capiz:

Read more...