LOOK: Pinsala ng Typhoon Ursula sa Kalibo, Aklan

Napinsala ng Typhoon Ursula ang bayan ng Kalibo sa lalawigan ng Aklan.

Ang Kalibo International Airport, pansamantalang isinara ngayong araw, December 26 matapos masira ang bubong at pader ng Passenger Terminal Building.

Lahat ng flights mula at patungong Kalibo ngayong araw ay kanselado na.

Marami ding lugar sa Kalibo ang napinsala ng bagyo.

May mga puno at posteng nagtumbahan.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente sa buong lalawigan ng Aklan.

Narito ang mga larawan ng pinsalang iniwan ng Typhoon Ursula sa Kalibo:

Read more...