WALANG PASOK: Pasok sa trabaho sa San Jose Occidental Mindoro, suspendido ngayong araw
Suspendido ang pasok sa mga pribado at pampublikong tanggapan ngayong Huwebes, December 26 sa San Jose, Occidental Mindoro.
Ito ay bunsod ng pinsalang naidulot ng Typhoon Ursula sa naturang bayan.
Ayon kay San Jose, Occidental Mayor Romulo Festin, marami pang puno ang nakatumba sa mga lansangan.
Ngayong araw, uuumpisahan ang clearing operations sa San jose.
Wala namang naitalang nasawi sa bayan ng San Jose pero matinding pinsala ang natamo ng lugar dahil sa bagyo.
Mayroon ding mga barangayayon kay Festin na isolated pa at hindi mapasok ng mga saskayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.