Maraming flights patungo at galing Kalibo kanselado hanggang bukas matapos mapinsala ng Typhoon Ursula ang Kalibo Airport

By Dona Dominguez-Cargullo December 26, 2019 - 06:10 AM

Kanselado ang maraming biyahe ng eroplano mula at patungo ng Kalibo ngayong Araw, December 26, 2019 hanggang bukas December 27, 2019.

Pansamantalang isinara ang Kalibo Airport para bigyang-daan ang repairworks sa napinsalang terminal building ng paliparan.

Base sa inilabas na notice ng pamunuan ng Kalibo Airport, nasira ang pader at bubong ng paliparan dahil sa Typhoon Ursula.

Ang Philippine Airlines nagkansela ng kanilang mga biyahe mula at patungong Kalibo ngayong araw, habang ang Cebu Pacific naman ay nagpa-abiso na ng mga kanseladong biyahe mula at patungong Kalibo hanggang bukas.

May mga kanselado ring domestic at international flights ang Air Asia ngayong araw.

Narito ang listahan ng mga kanseladong biyahe:

DECEMBER 26, 2019
CEBU PACIFIC
• 5J412 Cebu-Kalibo, Estimated Time of Departure (ETD) 11:55 pm
• 5J413 Kalibo-Cebu, ETD 12:20 pm
• 5J1811 Cebu-Kalibo, ETD 2:30 am
• 5J419 Kalibo-Cebu, ETD 3:50 am

DECEMBER 26, 2019
CEBU PACIFIC
• 5J180 Kalibo-Incheon, ETD 1:45 am
• 5J181 Incheon-Kalibo, ETD 6:55 am

CEBGO
• DG6315 Manila-Kalibo, ETD 5:05 am
• DG6316 Kalibo-Manila, ETD 7:00am
• DG6313 Manila-Kalibo, ETD 1:00 pm
• DG6314 Kalibo-Manila, ETD 3:25 pm
• DG6317 Manila-Kalibo, ETD 5:20 pm
• DG6318 Kalibo-Manila, ETD 7:40 pm

DECEMBER 26
PHILIPPINE AIRLINES
• PR 399 Beijing – Kalibo
• PR 2969 Manila – Kalibo
• PR 2970 Kalibo – Manila
• PR 238 Kalibo – Cebu
• PR 2240 Cebu – Kalibo
• PR 2241 Kalibo – Cebu

DECEMBER 26
AIR ASIA

  • Z2 036 Kalibo to Incheon
  • Z2 037 Incheon to Kalibo
  • Z2 028 Kalibo to Shanghai – Pudong
  • Z2 029 Shanghai – Pudong to Kalibo
  • Z2 038 Kalibo to Incheon
  • Z2 039 Incheon to Kalibo
  • Z2 058 Kalibo to Busan
  • Z2 059 Busan to Kalibo
  • Z2 711 Manila to Kalibo
  • Z2 712 Kalibo to Manila
  • Z2 715 Manila to Kalibo
  • Z2 716 Kalibo to Manila
  • Z2 713 Manila to Kalibo
  • Z2 714 Kalibo to Manila

Sa abiso ng dalawang airline companies, ang mga pasaherong apektado ay ia-accommodate sa susunod na available flights.

May opsyon din ang mga pasahero na i-avail ang rebooking ng walang babayarang penalties, full refund ng tickets o ‘di kaya ay ilagay sa travel fund ang ibinayad nila sa kanilang tickets.

TAGS: cancelled flights, Inquirer News, Kalibo Airport, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, cancelled flights, Inquirer News, Kalibo Airport, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.