3 patay sa pamamaril sa Quezon City

By Rhommel Balasbas December 26, 2019 - 05:52 AM

Nasawi ang tatlo katao matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Niñada Street, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Ayon sa Batasan Police, dalawa sa mga biktima ay kinilalang sina Juvy Largo at Lloyd Herbert Agucay habang inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pa.

Dead-on the spot si Largo at ang isa pang lalaki habang nagawa pang makatakbo pabalik sa kanyang bahay si Agucay ngunit binawian din ng buhay sa ospital.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima.

Ayon sa mga nakakita sa krimen, tatlong naka-helmet na sakay ng motorsiklo ang namaril sa tatlo.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek maging ang background ng mga biktima.

Pero sa inisyal na imbestigasyon, kalalaya lamang ni Agucay noong Abril dahil sa kasong may kinalaman sa droga.

Nakarekober ang SOCO ng 11 na basyo ng bala sa crime scene.

TAGS: batasan, Commonwealth, Inquirer News, metro, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, batasan, Commonwealth, Inquirer News, metro, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.