Sa update ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), hindi pa naibabalik ang suplay sa 138kV line sa Visayas area na nakaaapekto sa transmission services sa buong lalawigan ng Aklan.
Samantala, as of 5:00AM ngayong Huwebes, December 26, nananatiling walang suplay ng kuryente sa ilang mga lugar na dinaanan ng bagyo.
Ang ilang mga lugar ay nawalan ng kuryente simula pa noong umaga ng Pasko, December 25.
Kabilang sa apektado pa rin ng power interruption ang mga sumusunod na linya sa Visayas:
Panitan-Sara/Panitan-Sapian 69kV Line
Customer affected: CAPELCO
Date/time out: 25 December 2019 / 4:18AM
Nabas-Sapian 69kV Line
Customer affected: AKELCO
Date/time out: 25 December 2019 / 5:47AM
Nabas-Caticlan 69kV Line
Customer affected: AKELCO
Date/time out: 25 December 2019 / 7:56AM
Borongan-Quinapondan 69kV Line
Customer affected: ESAMELCO
Date/time out: 24 December 2019 / 1:50PM
Ormoc-San Isidro 69kV Line
Customer affected: LEYECO V, BILECO, LEYECO III, DORELCO
Date/time out: 24 December 2019 / 6:21PM
Babatngon-Apitong-Arado 69kV Line
Customer affected: LEYECO II
Date/time out: 24 December 2019 / 6:13PM
Samantala, naibalik naman na ang serbisyo ng kuryente sa Leyte at Northern Samar.
Ayon sa NGCP, nagpapatulog ang kanilang inspeksyon sa mga apektadong lugar at mas bibilis ang proseso nito sa sandaling tuluyan nang gumanda ang lagay ng panahon.