Annular solar eclipse magaganap ngayong araw
Isang astronomical event ang masasaksihan ng mga Pinoy ngayong Huwebes, December 26, isang araw matapos ang Pasko.
Ayon sa PAGASA, magaganap mamaya ang ‘Ring of Fire’ eclipse o ‘annular solar eclipse’.
Nangyayari ang annular solar eclipse kapag ang buwan ay nasa pinakamalayong distansya nito sa mundo.
Natatakpan ng buong buwan ang sentro ng araw dahilan para maiwan ang outer edges kaya’t nabubuo ang ‘ring of fire’ o annulus.
Sinabi ng PAGASA na pinakamakikita ang eclipse sa Balut at Batulaki sa Sarangani sa Davao Occidental.
Sa ibang bahagi naman ng bansa tulad ng Maynila; Quezon City; Aparri, Cagayan; Laoag, Ilocos Norte; Legazpi City, Albay; Puerto Princesa City, Palawan; Mactan, Cebu; at General Santos City, partial eclipse lamang ang masasaksihan.
Narito ang mga oras na maaaring makita ang eclipse:
Maynila – 12:32pm hanggang 3:47pm
Mactan, Cebu – 12:40pm hanggang 3:54pm
Malaki naman ang posibilidad na makaapekto ang maulap na kalangitang dala ng Bagyong Ursula para hindi matunghayan ang eclipse.
Isang annular solar eclipse ang makikita sa bansa sa June 21, 2020 ayon sa PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.