Kinatawan ni Pope Francis sa IEC, dadalaw sa Cebu dancing inmates

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer.net January 25, 2016 - 01:06 PM

Photo courtesy of CDN
Photo courtesy of CDN

Personal na bibisitahin ng kinatawan ni Pope Francis sa 51st International Eucharistic Congress (IEC) ang Youtube sensation na “dancing inmates” sa Cebu provincial jail.

Ayon kay IEC president at Cebu Archbishop Jose Palma, magtutungo si Cardinal Charles Maung Bo, archbishop ng Yangon, Myanmar, sa nasabing bilangguan para personal na bisitahin ang tinaguriang “Cebu dancing inmates”.

Ang nasabing mga preso ay nakilala sa kanilang pagsasayaw simula pa noong taong 2007.

Bibisitahin din ni Bo ang isang vocational school sa Barangay Pasil na isa sa mahihirap na lugar sa Cebu.

Sa pagbisita sa nasabing detention center, sinabi ni Palma na makikipag-usap din si Cardinal Bo sa ilang preso.

Sa misang pinangunahan ng cardinal noong Linggo sa pagbubukas ng IEC, sinabi niyang mahal ng Santo Papa ang mga Pilipino.

TAGS: Cebu Dancing Inmates, Cebu Dancing Inmates

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.