10 patay sa pananalasa ng Bagyong #UrsulaPH sa Visayas

By Rhommel Balasbas December 26, 2019 - 04:20 AM

Hindi bababa sa 10 katao ang naitalang patay sa pananalasa ng Bagyong Ursula sa Visayas.

Tig-isa ang nasawi sa mga bayan ng Kananga at Abuyog sa Leyte habang walo kasama ang 3 taong gulang na batang lalaki ang namatay sa Iloilo at Capiz.

May anim pa ang nawawala sa Iloilo.

Samantala, batay sa pinakahuling situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) alas-6:00 Miyerkules ng gabi, kabuuang 5,555 indibidwal o 1,271 pamilya ang inilikas mula sa Eastern Visayas at MIMAROPA.

Nakaranas ng power outages ang 86 na lungsod at bayan sa Eastern at Western Visayas. Dalawampu’t apat na sa mga bayan at lungsod na ito ang may kuryente na muli.

Limang road sections din sa Eastern at Western Visayas ang hindi madaraanan.

Batay sa pinakahuling update ng PAGASA, patungo na ng West Philippine Sea ang Bagyong Ursula at lalabas ng PAR Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.

TAGS: 10 dead, 6 missing, Bagyong #UrsulaPH, hagupit ng bagyo, NDRRMC, 10 dead, 6 missing, Bagyong #UrsulaPH, hagupit ng bagyo, NDRRMC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.