Daanbantayan, Cebu isasailalim sa state of calamity dahil sa hagupit ng Bagyong Ursula

By Rhommel Balasbas December 26, 2019 - 02:07 AM

Cebu Daily News

Inirekomenda ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) ng Daanbantayan, Cebu ang pagdedeklara ng state of calamity sa bayan bunsod ng pinsala ng Bagyong Ursula.

Ayon kay Daanbantayan Vice Mayor Gilbert Arrabis, batay sa initial assessment sa pinsala ng bagyo, kailangan na ang deklarasyon ng state of calamity.

Isang special session anya ang isasagawa ngayong araw ng Huwebes para ipasa ang resolusyon sa pagdedeklara ng state of calamity.

Sakaling maideklara, magagamit ng lokal na pamahalaan ang 30 percent ng P10 million disaster fund.

Marami sa mga bahay sa Daanbantayan ang sinira ng bagyo kung saan ilan ay nawalan ng mga bubong.

Nagtamo rin ng pinsala ang municipal cultural center, Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), wharf at waiting sheds.

Marami ring puno ang nabuwal ng hangin.

Hanggang alas-4:00 ng hapon, nasa 9,000 pamilya mula sa coastal at island villages ng Daanbantayan ang nananatili sa evacuation centers.

TAGS: cebu, Daanbantayan, State of Calamity, typhoon damages, ursulaPH, cebu, Daanbantayan, State of Calamity, typhoon damages, ursulaPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.