Bagyong #UrsulaPH bahagyang humina; signal no.3 inalis na
Bahagyang humina ang Typhoon Ursula habang kumikilos patungong West Philippine Sea.
Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 100 kilometro Hilaga Hilagang-Kanluran ng Coron, Palawan.
Taglay na lang nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 km kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 km kada oras.
Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 20 km kada oras.
Ayon sa PAGASA, wala nang inaasahang landfall scenario.
Sa ngayon, wala nang nakataas na tropical cyclone wind signal no. 3.
Nasa ilalim ng signal no. 2 ang mga sumusunod na lugar:
– Occidental Mindoro kassama ang Lubang Island
– Oriental Mindoro
– Calamian Islands (Coron, Culion, Busuanga)
Signal no.1 ang nakataas sa:
– Bataan
– Laguna
– Cavite
– Batangas
– Southwestern Quezon
(Sampaloc, Lucban, Tayabas, Lucena, Dolores, Candelaria, Sariaya, Tiaong, San Antonio, Pagbilao, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Pitogo, Macalelon ,General Luna, Catanauan)
– Marinduque
– Western Romblon
(Concepcion, Banton, Corcuera, Calatrava, San Andres, San Agustin, Odiongan, Sta. Maria, Ferrol, Alcantara, Looc, Santa Fe, San Jose)
– Nalalabing bahagi ng extreme northern Palawan kasama ang Cuyo Islands
(Linapacan, El Nido, Taytay, Araceli, Agutaya, Magsaysay, Cuyo)
Samantala, ngayong gabi hanggang bukas ng umaga, paminsan-minsan hanggang malakas na ulan pa rin ang mararanasan sa Calamian and Cuyo Islands, Mindoro Provinces kasama ang Lubang Island, at northwestern Antique.
Mahina hanggang katamtaman na may panaka-nakang malakas na ulan naman ang mararanasan sa Romblon, Aklan, Capiz, nalalabing bahagi ng northern Antique, Marinduque, CALABARZON, Metro Manila, Central Luzon, at northern portion ng mainland Palawan.
Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng flashfloods at landlides sa mabababa at bulubunduking mga lugar.
Bawal pa rin ang paglalayag sa mga baybaying-dagat ng mga lugar na nasa storm warning signals.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.