Naging mapayapa ang selebrasyon ng Pasko sa bansa, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na walang naitalang matinding kaso ng krimen o karahasan sa bansa.
Sa kabila ng ipinatupad na suspensyon sa operasyon, sinabi ni Banac na nananatili pa ring handa ang kanilang hanay para rumesponde sa anumang insidente.
Dagdag pa ng opisyal, nakikipagtulungan din ang PNP sa ikinakasang rescue at relief operations sa mga apektadong residente ng Bagyong Ursula.
Payo ng PNP, manatiling alerto upang masiguro ang seguridad ngayong holiday season.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.