2 OFW sa Hong Kong, nakatanggap ng regalo ngayong Pasko | DZIQ Radyo Inquirer 990AM

2 OFW sa Hong Kong, nakatanggap ng regalo ngayong Pasko

By Angellic Jordan December 25, 2019 - 06:33 PM

Nagkaroon ng Pamaskong Handog si Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong.

Personal na binisita ng kongresista ang mga OFW, miyembro ng La Union Federation of Hong Kong Workers (LUFOH).

Isa-isang narinig ng mambabatas ang mga kwento ng mga OFW na malayo sa kani-kanilang pamilya ngayong Pasko.

Dahil dito, nagdesisyon si Ong na gumawa ng #PamaskaongHandog Project para sa mga itinuturing na makabagong bayani.

Noong Nobyembre, nagdaos ng Christmas Party si Ong para sa pamilya ng mga nakahalubilo nitong OFW sa Hong Kong.

Sinorpresa rin nito ang mga pamilya ng video messages mula sa kanilang mga mahal sa buhay sa Hong Kong.

Maliban dito, pumili pa si Ong ng dalawang OFW na magkakaroon ng pagkakataon na makauwi ng Pilipinas para makapiling ang pamilya ngayong Pasko.

Sinalubong ang napiling OFWs na sina Mayet at Hazel ng kampo ng Ong pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pinagkalooban din ang dalawa ng noche buena shopping spree at nabisita pa ang aktor na si Coco Martin bago ang 2019 MMFF Parade of Stars.

Ayon kay Ong, walang katulad ang Paskong Pilipino.

“Wala po kasi talagang katulad ang Paskong Pilipino. At realidad ng buhay nating mga Pinoy na ang mga loved ones natin madami ay nasa abroad para kumita para sa pamilya, at madalas kahit Pasko ay di nalang sila uuwi,” ani Ong.

Deserve aniya ng mga OFW ang inihandog na muntik regalo dahil sa pagsasakripisyo sa ibang bansa para sa kanilang pamilya.

“Kaysa pambili ng flight ticket, ibibigay nalang nila yun sa pamilya nila para pandagdag sa noche buena kahit na mag-isa at malungkot sila sa ibang bansa tuwing Pasko. Kaya naman po naisipan namin na magbigay ng ganitong regalo sa kanila dahil deserve nila ito. Deserve nila ang kaligayahan na kasama ang mahal sa buhay ngayong Pasko,” dagdag pa ni Ong.

Sa taong 2019, nasa 300,000 na Filipino ang naitalang nagtatrabaho sa nasabing bansa.

TAGS: Christmas 2019, PamaskONG Handog sa OFW 2019, Rep. Ronnie Ong, Christmas 2019, PamaskONG Handog sa OFW 2019, Rep. Ronnie Ong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Ad
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.