Mobile at internet services ng Globe, hindi muna magagamit sa Visayas at Southern Luzon

By Angellic Jordan December 25, 2019 - 06:10 PM

Inanunsiyo ng Globe Telecom Inc. na pansamantalang hindi nagagamit ang kanilang mobile at internet service sa Visayas at Southern Luzon.

Ayon sa kumpanya, ito ay bunsod ng pinsalang idinulot ng Bagyong Ursula.

Matindi anilang napinsala ang mga sumusunod na lugar:
– Eastern at Western Samar
– Leyte
– Capiz
– Aklan (kasama ang Boracay)
– Roxas

Tiniyak naman ng Globe sa mga customer na minamadali na ang pag-aayos para maibalik ang kanilang serbisyo.

Humingi rin ng paumanhin ang kumpanya sa idinulot na abala ng aberya sa kanilang serbisyo.

Nakikiisa anila ang Globe sa pag-aalay ng panalangin sa mga apektadong pamilya ng bagyo lalo na ngayong araw ng Pasko.

TAGS: Bagyong Ursula, Globe internet services, Globe mobile services, southern luzon, ursulaPH, Visayas, Bagyong Ursula, Globe internet services, Globe mobile services, southern luzon, ursulaPH, Visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.