Metro Manila at ilang lugar, patuloy na uulanin

Patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 3:20 ng hapon, ito ay dala pa rin ng Bagyong Ursula.

Asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Bataan, Cavite, Laguna at Rizal.

Kaparehong lagay ng panahon na may occasional heavy rains naman ang iiral sa Batangas at Quezon.

Pinayuhan ang publiko at mga disaster risk reduction and management office na manatiling nakatutok sa kondisyon ng panahon.

Read more...