Limang sample ng Lambanog, nagpositibo sa methanol – FDA
Nagpositibo ang lima sa pitong samples ng Lambanog sa Rizal, Laguna ayon sa Food and Drug Administration (FDA).
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni FDA officer-in-charge at Department of Health (DOH) Undersecretary Enrique Domingo na lumabas sa pagsusuri na mayroong mataas na lebel ng methanol ang lambanog sa probinsya.
Mayroon aniyang 11.4 hanggang 18.2 porsyento ng methanol sa nakuhang lambanog sa lugar.
Ayon kay Domingo, nakakalason ang isang uri ng alak na kontaminado ng mataas na lebel ng methanol.
Hinikayat naman ni Domingo ang publiko na uminom at bumili ng mga alak na rehistrado lamang ng FDA.
Hindi bababa sa 14 ang nasawi sa Laguna, Quezon at Rizal matapos malason ng lambanog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.