Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Romblon, Oriental Mindoro at Marinduque

Nagtaas ng heavy rainfall ang PAGASA sa Romblon Group of Islands, Oriental Mindoro at sa 2nd District ng Marinduque.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 9:00 ng umaga ng Miyerkules, Dec. 25, yellow warning ang umiiral sa nasabing mga lugar.

Pinag-iingat ang publiko sa posibleng pagbaha.

Samantala, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang umiiral sa Oriental Mindoro, Camarines Sur at Burias Islands.

Read more...