Heavy rainfall warning nakataas sa Sorsogon
Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa Sorsogon dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan dulot ng Typhoon Ursula.
Sa rainfall advisory na inilabas ng PAGASA alas 5:55 ng umaga ng Miyerkules, Dec. 25 nakataas ang yellow warning sa Sorsogon.
Ayon sa PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha sa mga mababang lugar.
Samantala, mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Northern Samar, Oriental Mindoro, at Marinduque.
Paminsan-minsang pag-ulan naman amg nararanasan sa While, Albay, Masbate at Romblon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.