Sen. Angara, may dasal sa Pasko; Sen. Gatchalian, nais sa Pasko ang pagtulong
Sinabi ni Senator Sonny Angara ang Pasko ay para sa pamilya.
Pinasalamatan nito ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa kanilang pagta-trabaho malayo sa kanilang mga pamilya at aniya, malaking sakripisyo ito lalo na sa Kapaskuhan.
Aniya, hindi lang sa kanilang pamilya nakakatulong ang OFWs kundi sa ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Angara, panalangin niya na hindi na kailangan pang magtrabaho sa ibang bansa ang mga Filipino para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Samantala, sa mensahe naman ni Sen. Sherwin Gatchalian, ang Pasko ay magandang oportunidad para magbigay at tumulong sa kapwa.
Dapat aniya magkaisa ang lahat para tulungan ang mga nangangailangan.
Binigyang-puri din ni Sen. Risa Hontiveros ang mga OFWs, sundalo, pulis, at mga health workers na magdiriwang ng Kapaskuhan malayo sa kanila-kanilang pamilya dahil sa tawag ng tungkulin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.