Paputok, open pipe mufflers bawal sa Muntinlupa City

By Jan Escosio December 24, 2019 - 06:43 PM

File Photo

Nagpaalala ang pamahalaang-lungsod ng Muntinlupa na ipinagbabawal ang lahat ng uri ng paputok sa lungsod gayundin ang open-pipe mufflers na karaniwan sa mga motorsiklo ngayong Kapaskuhan.

Ipinag-utos na ni Mayor Jimmy Fresnedi sa lokal na pulis na magsagawa ng checkpoints at inspections para matiyak na nasusunod ang ‘firecracker ban.’

Kasabay nito, ang pagkasa ng clearing operations sa mga lansangan at maging sa mga pamilihan para matiyak na walang lumalabag sa City Ordinance 14-092.

Noong nakaraang araw ng Linggo, nagsagawa ng operasyon sa Alabang viaduct para hulihin ang mga nagtitinda ng mga paputok.

Sa ordinansa, ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P1,000 hanggang P5,000 at ang mga lehitimong negosyo na magbebenta ay babawian ng kanilang business permit at license.

TAGS: City Ordinance 14-092, firecracker ban, Mayor Jimmy Fresnedi, Muntinlupa City, open pipe mufflers, Paputok, City Ordinance 14-092, firecracker ban, Mayor Jimmy Fresnedi, Muntinlupa City, open pipe mufflers, Paputok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.