2 bangka, lumubog sa Palawan at Romblon; Mga pasahero nailigtas

By Jan Escosio December 24, 2019 - 06:41 PM

Inilubog ng malalaking alon ang dalawang bangka sa karagatan ng Palawan at Romblon.

Sa pahayag ni Police Lt. Col. Imelda Tolentino, ang tagapasalita ng Region IV-B Police Office, ligtas naman ang lahat ng mga sakay ng dalawang bangka.

Aniya, ang unang insidente ay nangyari sa karagatan sakop ng Bararing Island sa Cuyo, Palawan noong nakaraang araw ng Linggo at ang ,angka ay may sakay na anim na katao.

Nailigtas din ang tatlong bata at tatlong iba pa na sakay ng lumubog na bangka sa karagatan ng Barangay Guintigbasan sa Santa Fe, Romblon.

Sinabi na ang malakas na bugso at hangin at malalaking alon ay dahil sa Bagyong Ursula.

TAGS: Cuyo, Palawan, Romblon, Santa Fe, Cuyo, Palawan, Romblon, Santa Fe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.